PUMALO sa bagong record-high na 16.31 trillion pesos ang utang ng pamahalaan noong enero.
Sa pinakahuling datos mula sa Bureau of Treasury, lumobo ng 1.63 percent o nadagdagan ng 261.47 billion pesos ang utang noong enero mula noong December 2024.
Ayon sa treasury, tumaas ang local obligations ng 1.41 percent o sa 11.08 trillion pesos, na kumakatawan sa malaking bulto ng kabuuang utang.
Samantala, umakyat din ng 2.10 percent o sa 5.23 trillion pesos ang utang ng gobyerno sa labas ng bansa.