HINIKAYAT ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro si Senator Robin Padilla na maging responsable at huwag maging kasangkapan sa pagpapalaganap ng fake news.
Pahayag ito ni Castro kasunod ng pagprisinta ni Padilla sa umano ay voice recording ni Castro kausap ang isang vlogger na umano ay parte ng troll farm ng administrasyon.
Zaldy Co, nagpadala umano ng “feelers” sa mga pari, ayon sa DILG chief
Dating Sen. Bong Revilla, bigong makapagpasok ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail, ayon sa BJMP
Impeachment complaint laban kay PBBM, nai-transmit na sa Office of the Speaker
VP Sara, kinasuhan ng plunder, malversation, at graft bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential at public funds
Sa panayam ng agenda sa bilyonaryo news channel, sinabi ni Castro na hindi niya boses ang nasa voice recording at kumpiyansa siya rito kahit pa magsagawa ng Audio Imprint ang National Bureau of Investigation.
Bilang senador na nagsasabing isinusulong niya ang Anti-Troll Farm dapat aniya ay maging modelo si Padilla at tiyaking ang kaniyang mga inilalabas na detalye ay kumpirmado at hindi fake news.
Ani Castro bilang isang mambabatas dapat maging responsible si Padilla sa mga ipinalalabas nitong impormasyon lalong-lalo na kung makakasira ito sa ibang tao.
