INANUNSYO ni US President Donald Trump na magpapatupad siya ng panibagong taripa ngayong linggo, kabilang ang 25% sa lahat ng steel at aluminum imports.
Sinabi ni Trump na plano niyang magpataw ng “reciprocal tariffs” sa mga bansa na kasalukuyang pinapatawan ng buwis ang US imports.
ALSO READ:
Hindi naman tinukoy ng US President ang mga tina-target na bansa, o kung mayroon mang exemptions.
Ang Canada at Mexico ay dalawa sa pinakamalaking steel trading partners ng Amerika.
Ang Canada rin ang pinakamalaking supplier ng aluminum sa US.