SUNOD-sunod na nagpakawala ng airstrikes ang Amerika sa Houthi Rebels sa Yemen.
Inihayag ni US President Donald Trump na ang dahilan ng airstrikes ay ang pag-atake ng armadong grupo sa mga barko sa Red Sea.
18 anyos na babae na may mental health issues, salarin sa mass shooting sa paaralan sa Canada
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Sa kanyang truth social platform, sinabi ni Trump na tinarget ng Houthi Rebels na pino-pondohan ng Iran, sa pamamagitan ng missiles ang US aircraft, pati na ang kanilang mga tropa at kaalyado.
Idinagdag ng US President na bukod sa bilyun-bilyong dolyar na nawala, nalagay din sa alanganin ang buhay ng marami, dahil sa pamimirata, karahasan, at terorismo ng armadong grupo.
Iniulat naman ng health ministry na pinatatakbo ng Houthi, na tatlumpu’t isa katao ang nasawi habang mahigit isandaang iba pa ang nasugatan bunsod ng airstrikes ng Amerika.
