INANUNSYO ni US Secretary of State Marco Rubio na kinansela ng Amerika ang 83 percent ng mga programa sa US Agency for International Development (USAID).
Sa social media platform na X, sinabi ni Rubio na makalipas ang anim na linggong pagre-review ay opisyal nang kinansela ang walumpu’t tatlong porsyento ng mga programa sa USAID.
Iran, ipinagpaliban ang funeral ceremony para sa nasawing supreme leader dahil sa patuloy na pambobomba sa bansa
US, magpapadala ng mga eroplano para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa Middle East
US Embassy sa Riyadh, tinamaan ng drones, ayon sa Saudi Defence Ministry
Fighter jets ng US tinarget ng Kuwait matapos mapagkamalang kalaban
Idinagdag ng US state secretary na 5,200 contracts ang kanselado na matapos tumanggap ng bilyon-bilyong dolyar na hindi naman nararapat at hindi nagdulot ng kapakinabangan sa Amerika.
Una nang nilagdaan ni US President Donald Trump ang isang executive order noong Enero, upang i-freeze ang lahat ng US foreign aid para bigyan ang kanyang administrasyon ng panahon para pag-aralan ang gastos sa ibang mga bansa, para sa kanyang “America First” agenda.
