BINALAAN ni US President Donald Trump ang Iraq laban sa pagpili kay Nouri Al-Maliki bilang prime minister, sa pagsasabing hindi na tutulungan ng Amerika ang Middle Eastern Country.
Sa Truth Social, sinabi ni Trump na posibleng magkamali sa pagpili ang Iraq kapag ibinalik si Maliki bilang prime minister.
Aniya, huling beses na nasa kapangyarihan si Maliki ay nalugmok ang bansa sa kahirapan at matinding kaguluhan, kaya hindi na dapat ito payagan na mangyari muli.
Idinagdag ni Trump na ang bansa na walang tulong mula sa Estados Unidos ay “zero” ang tsansa na magtagumpay.




