4 July 2025
Calbayog City
National

US fighter jets, posibleng i-deliver sa Pilipinas sa 2026 o 2027, ayon kay Ambassador Romualdez

POSIBLENG ma-deliver simula sa susunod na taon ang F-16 fighter-jets na planong bilhin ng Pilipinas mula sa Amerika, ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.

Ang tinutukoy ng envoy ay ang dalawampung “brand-new” F-16 fighter jets at iba pang defense equipment, na balak i-loan ng bansa mula sa Washington.

Ito’y matapos aprubahan ng US ang pagbebenta ng 5.58-billion dollar fighter-jets sa Pilipinas.

Sinabi ni Romualdez na matagal na matagal nang inalok ng US ang naturang block sa Pilipinas, at magiging available ang delivery nito sa 2026 o sa 2027.

Idinagdag ng ambassador na magkakaroon ng F-16s ang Pilipinas, depende sa terms kung kakayanin ang presyo at kung aaprubahan ng kongreso at presidente, bilang bahagi ng AFP Modernization Program.

Sakaling matuloy ang plano, ang F-16 fighter jets ang pinaka-ambisyoso at pinakamahal na acquisition ng Pilipinas sa ilalim ng Military Modernization Program na na-delay dahil sa kakulangan ng pondo.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).