Uumpisahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang roll out ng unified ID system sa ilang pilot local government units (LGUs) sa Oktubre.
Ayon kay Asst. Secretary for Information and Communications Technology and Chief Information Officer (CIO) Johannes Paulus Acuña, layunin ng paggamit ng unified ID system na masawata ang paglaganap ng pekeng PWD IDs.
Lalahok sa pilot testing ang aabot sa 200,000 PWDs na 10 percent ng tinatayang 2 million PWDs sa buong bansa at una itong susubukan sa 35 LGUs sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasama ang Pasay at Muntinlupa sa Metro Manila. Ayon kay Acuña ang LGUs ang in-charge sa aplikasyon, beripikasyon at pag-apruba sa para sa unified ID habang ang NCDA ang mag-iimprenta ng mga ito.
Tiniyak ni Acuña na mas mahirap nang gumawa ng pekeng unified ID ng PWDs na gagamitan din ng mahahalang imporasyon mula sa database ng Philippine Identification System (PhilSys) at lalagyan ng QR Code.