29 April 2025
Calbayog City
Metro

“Unhealthy” at “very unhealthy” na kalidad ng hangin, naitala sa ilang lugar sa Quezon City

PINAYUHAN ng Quezon City Local Government ang mga residente na magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay.

Base kasi sa latest na Air Quality Index (AQI), may mga bahagi ng lungsod na “unhealthy” at “very unhealthy” ang naitalang kalidad ng hangin.

Naitala ng “very unhealthy” na Air Quality Index sa bahagi Susano Road, Maligaya Elementary School, Lagro High School, Kaligayahan Elementary School at Payatas Controlled Disposal Facility.

Habang “unhealthy” naman ang AQI sa ilan pang a lugar.

Ayon sa abiso ng QC LGU, kung mayroong respiratory illness tulad ng hika, mainam na iwasan munang lumabas ng bahay.

Kung hindi naman maiiwasan at kinakailangang umalis o lumabas ay mas mabuting magsuot ng face mask.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).