NAGBABALA ang Department of Budget and Management (DBM) na posibleng tapyasan ng pondo ang mga ahensya ng pamahalaan na may mababang utilization rates.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ito ay upang matiyak na nagagamit nang tama ang public funds.
Idinagdag ni Pangandaman na ang mga ahensyang mabibigo sa kanilang performance ay obligadong bumuo ng catch-up plan.
Ipinaliwanag ng kalihim na ini-evaluate ang mga ahensya batay sa kanilang physical performance, financial performance, pati na ang timelines at quality ng kanilang mga isinumiteng reports.




