NABABAHALA ang United Nations Member States sa pagtulong ng China at Russia sa expansion ng military capabilities ng North Korea upang matakasan ng Pyongyang ang sanctions ng UN.
Pahayag ito ni US Defense Secretary Lloyd Austin sa meeting sa South Korea, kasama ang Defense Ministers at Representatives mula sa labimpitong bansa na bumubuo sa UN command na nangangasiwa sa armistice o ceasefire.
Sinabi ni Austin na labis din silang nag-aalala sa lumalawak na military cooperation sa pagitan ng Russia at Democratic People’s Republic of Korea.
Inakusahan ng Washington ang North Korea na nagsu-supply ng military equipment sa Russia para gamitin sa giyera laban sa Ukraine, at ang Moscow ang nagbibigay ng technical military support para tulungan ang North Korea.