26 December 2025
Calbayog City
Entertainment

‘Un/Happy for You’, kumita ng mahigit 100 million pesos sa loob lamang ng 4 na araw

un/happy for you

Kumita ng mahigit 100 million pesos ang reunion film na “Un/Happy for You” nina Julia Barretto at Joshua Garcia, apat na araw pa lamang ang nakalilipas mula nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula.

Ibinahagi ng movie outfit na Star Cinema ang magandang balita sa pamamagitan ng social media post, kahapon.

Sa direksyon ni Petersen Vargas at sa panulat nina Kookai Labayen, Crystal San Miguel, at Jen Chuaunsu, ang “Un/Happy for You” ay binuksan sa mga sinehan noong Huwebes.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).