15 March 2025
Calbayog City
Local

Umento sa sweldo sa Eastern Visayas, epektibo na sa Dec. 2

EPEKTIBO na sa Dec. 2 ang bagong wage order na magdaragdag ng trenta pesos sa arawang sweldo ng minimum wage earners sa Eastern Visayas Region na pakikinabangan ng 126,000 na mga manggagawa sa rehiyon.

Sa ilalim ng Wage Order No. 24 na inilabas noong Nov. 5, 2024, sinabi ni Department of Labor and Employment Regional Director Dax Villaruel, Chairman ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board, na ipatutupad ang wage order sa pamamagitan ng dalawang bugso.

Matatanggap sa Dec. 2 ang kinse pesos na umento sa arawang sahod para sa unang bugso habang ang pangalawang bugso na nagkakahalaga rin ng kinse pesos ay ipatutupad simula sa June 1, 2025.

Dahil sa adjustment, ang bagong daily minimum wage ng mga manggagawa sa non-agriculture sector at service retail establishment na may mga empleyado na labing isa pataas ay 435 pesos na mula sa 405 pesos.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).