94 percent ng Public Utility Vehicles sa Eastern Visayas ang consolidated para sa PUV Modernization Program, ayon sa Regional Office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Sinabi ni Veronica Reposar, LTFRB 8 Transportation Development Office Chief, na isa ang Eastern Visayas sa pinakamataas sa bansa pagdating sa consolidation, kaya tiyak na sapat ang PUV units na magse-serbisyo sa mga commuter sa pamamagitan ng iba’t ibang ruta.
Aniya, lahat ng bayan ay mayroong operators na galing sa consolidated entities, kaya wala silang inaasahang transport crisis sa alinmang bahagi ng rehiyon.
May ilan aniyang gumagamit pa rin ng traditional jeepneys subalit obligado silang kumuha ng provisional authority mula sa kanilang opisina.
Mula sa 3,692 registered PUVs sa Eastern Visayas, 3,480 units kabilang ang mahigit pitundaang modern buses at jeepneys, ay consolidated simula nang ilunsad ng Department of Transportation ang programa noong 2017 hanggang Dec. 31, 2023.