APRUBADO na sa huli at ikatlong pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin o bawasan ang excise tax sa langis.
Two hundred forty-seven na mambabatas ang pumabor sa pagpasa ng House Bill 8418, habang mayroong tatlo ang tumutol.
ALSO READ:
Layunin ng panukala na amyendahan ang Section 148 ng National Internal Revenue Code.
Ito ay para mabigyan ng special powers si Pangulong Marcos na tapyasan o ihinto ang excise tax tuwing papalo sa eighty dollars per barrel ang halaga ng krudo.
Sa sandaling maging ganap na batas, mababawasan ng ten pesos kada litro ang presyo ng gasoline at six pesos per liter ang mababawas sa presyo ng diesel.




