KUMPIYANSA ang Malakanyang na bago ang 2028 elections ay maisasabatas ang anti-political dynasty bill.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, malakas ang tsansa na maipasa ng mga mambabatas ang panukala dahil mamadaliin na ang deliberasyon para dito.
Pinag-aaralan na aniya ngayon ng Kamara at Senado ang panukala, at maging ang Office of the President.
Una nang hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga mambabatas na iprayoridad ang pagpasa sa nasabing panukalang batas na layong pagbawalan ang magkaanak na sabay-sabay humawak ng pwesto sa gobyerno.




