AABOT sa 863 Million Pesos na halaga ng cash assistance ang ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mahigit walumpung libong indibidwal na naapektuhan ng malakas na pag-ulan bunsod ng shear line sa Davao region noong Enero.
Ayon sa ahensya, kabuuang 86,724 beneficiaries sa Davao Oriental at Davao Del Norte ang tumanggap ng ayuda mula sa DSWD Emergency Cash Transfer (ECT) Program simula noong Feb. 6.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng halos sampung libong piso o 75 percent ng kasalukuyang isang buwan na minimum wage.
Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Enero na labing anim katao ang nasawi bunsod ng masamang panahon, habang mahigit isandaan limampung libong pamilya mula sa Caraga at Davao Regions ang naapektuhan ng shear line.