PINANINIWALAANG nasa Portugal si Resigned Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, sa gitna ng pag-aresto sa mga indibidwal na kinasuhan bunsod ng flood control scandal sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, hinihinalang matagal nang may hawak na Portuguese passport ang dating mambabatas.
Mahigit 32,000 na bagong guro, asahan sa susunod na taon – DepEd
Sandiganbayan 6th Division, kinonsolidate ang mga kaso sa 289-Million Peso Naujan Flood Control Case
Dating DPWH Secretary Rogelio Singson, nagbitiw sa ICI
Dating Senador Bong Revilla at iba pang personalidad, inirekomendang kasuhan ng ICI bunsod ng flood control scandal
Sinabi rin ni Remulla na sa pagkakaalam niya ay nakansela na ang passport ni Co, subalit mayroon itong dalawang passports, kaya mayroong kaunting komplikasyon.
Inihayag ng DILG na maaring pinoprotektahan ng Portugal ang dating kongresista, kung nakakuha ito ng pasaporte bago naisampa ang mga kaso laban sa kanya.
Wala rin umanong Extradition Treaty ang Pilipinas sa Portugal.
Samantala, nananatiling aktibo ang passport ni Dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Paliwanag ng ahensya, hindi maaring kanselahin ang passport ni Co hangga’t wala silang natatanggap na kautusan mula sa korte.
Sinabi ni DFA Spokesperson Angelica Escalona na wala pa silang natatanggap na Court Order na nag-uutos para kanselahin ang passport ng dating mambabatas.
Ilang ulit nang inihayag ng DFA na maari lamang nilang kanselahin ang Philippine passport ng isang Filipino citizen, kapag natanggap nila ang kautusan mula sa isang Competent Philippine Court.
