14 March 2025
Calbayog City
Weather Metro

Metro Manila isinailalim sa state of calamity

metro manila state of calamity

Isinailalim sa state of calamity ang National Capital Region (NCR) bunsod ng pagbaha na naranasan sa maraming lugar dahil sa pag-ulan na dulot ng Habagat na pinalalakas ng Typhoon Carina. 

Inanunsyo ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos. 

Ang desisyon na magdeklara ng state of calamity sa NCR ay kasunod ng pulong ng Metro Manila Council (MCC) na pinangunahan ni Abalos. 

Una nang nagpatawag ng situation briefing si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Camp Aguinaldo sa Quezon City para i-assess ang sitwasyon dahil sa nararanasang patuloy na malakas na buhos ng ulan. 

Tiniyak ng pangulo na mayroong nakahandang P2.88 billion na halaga ng tulong ang pamahalaan at 4,500 na personnel para makapagsagawa ng search, rescue at retrieval operations.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.