MAKATATANGGAP ang senior citizens sa Borongan City, sa Eastern Samar ng increase sa kanilang monthly monetary allowance, simula ngayong January 2025.
Sa ilalim ng ordinance no. 295, na ipinasa at inaprubahan ng city council noong Nov. 22, 2024 at nilagdaan ni Mayor Jose Ivan Dayan Agda noong Dec. 16, 2024, magiging 1,000 pesos na ang buwanang allowance ng senior citizens mula sa dating 500 pesos.
Ang bagong kautusan ay inaasahang pakikinabangan ng limanlibo walundaang senior citizens o animnapung taong gulang pataas, sa Borongan City.