NAGKAROON ng inisyal na dayalogo si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa mga timbol driver sa Bagacay Covered Court.
Ito ay upang tugunan ang epekto ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo dulot ng krisis sa Gitnang Silangan.
9K Fuel Subsidy Cards, ipamamahagi sa mga mangingisda sa Eastern Visayas
Mahigit 30 pamilya sa Catarman, Northern Samar na nawalan ng bahay dahil sa bagyo, nakinabang sa housing grants
Pagtatatag ng Calbayog City College, isinusulong ng pamahalaang lungsod
Pagkukumpuni sa 2 tulay sa Eastern Samar, pinabibilisan sa DPWH ng Provincial Government
Sumentro ang talakayan sa Fuel Subsidy Program na inihahanda ng lokal na pamahalaan ng Calbayog upang makatulong na mapagaan ang pasanin ng local transport operators at commuters.
Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina:
• Cesar Ventures, Head ng City Economic Investment Promotion Office (CEIPO)
• Cesar Dealagdon, Operations Head ng Calbayog Public Order and Safety Office (CAPOSO)
• Marty Muñoz, CAPOSO Operations Officer
• City Councilor Marc Celino Tan, Vice Chair ng Committee on Transportation; at
• City Councilor Jessie Gianan
Ang idinaos na dayalogo ay simula pa lamang ng direktang pakikipag-ugnayan sa timbol operators para paigtingin ang commitment ng Calbayog LGU sa mga driver at commuters sa panahon ng global uncertainty.
