LIMITADO lamang muna sa light vehicles ang U-Turn Slot sa ilalim ng EDSA-Ortigas Flyover hanggang sa October 5.
Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, ito ay dahil sa isinasagawang Retrofitting at Strengthening Project sa EDSA-Ortigas Flyover.
Ang mga bus at iba pang sasakyan na lagpas sa 3.5 meters ang taas ay bawal munang gamitin ang nasabing U-Turn Slot.
Layunin nitong masiguro ng kaligtasan ng mga motorista at mga tauhan ng Department of Public Works and Highways na nagsasagawa ng Infrastructure Improvements sa Flyover.




