4 January 2025
Calbayog City
Overseas

US Police, iniimbestigahan kung may kaugnayan ang pagsabog sa Trump Hotel sa New Orleans attack

INIIMBESTIGAHAN na ng mga pulis sa Amerika kung may kaugnayan ang pagsabog sa labas ng Trump Hotel sa Las Vegas sa malagim na car-ramming attack sa New Orleans.

Nasawi ang driver ng Tesla Cybertruck habang pitong iba pa ang nasugatan sa Las Vegas makaraang sumabog ang sasakyan na may kargang fuel canisters at firework mortars.

Ayon sa mga awtoridad, lahat ng mga nasugatan ay pawang menor de edad.

Sa New Orleans attack, isang 42-year old US citizen ang pinaniniwalaang umararo sa mga tao sa abalang kalsada sa pamamagitan ng pick-up truck, na ikinasawi ng labinlima katao at ikinasugat ng tatlumpu’t limang iba pa, bago ito binaril ng pulis.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).