IPINANALO ni Tyrese Haliburton ang Indiana Pacers sa pamamagitan ng three-pointer sa nalalabing mahigit isang segundo ng laro laban sa top-seeded na Cleveland Cavaliers sa score na 120-119.
Dinala ni Haliburton sa 2-0 lead ang Pacers kontra Cavaliers sa kanilang NBA Eastern Conference Semi-Final Series.
Samantala, halos mag-isa namang binuhat ni Donovan Mitchell ang injury-depleted Cleveland sa pamamagitan kanyang masterful performance.
Umiskor si Mitchell ng 48 points at nilagyan ng dalawampung puntos na lamang ang Cavs kontra Pacers hanggang sa ikatlong quarter, subalit nasilat pa rin sa huling segundo ng laro.