WALONG Chinese Migrants ang natagpuang patay sa baybayin ng katimugang Mexico, makaraang lumubog ang kanilang sinasakyang bangka sa sikat pero delikadong ruta para sa mga iligal na pumapasok sa Amerika.
Ayon sa State Prosecutor’s Office, ang mga bangkay na kinabibilangan ng pitong babae at isang lalaki ay na-diskubre sa beach sa san Francisco Del Mar, sa Oaxaca.
Galing umano ang mga biktima sa Ta-Pa-Chu-La, Chiapas State, malapit sa Guatemala Border.
Talamak ang buwis-buhay na pagsakay ng bangka ng mga migrante sa Mexico para makatawid sa US, at matakasan ang checkpoints na mahigpit na ipinatutupad sa mga kalsada.