BUMIGAY ang Piggatan Bridge sa bayan ng Alcala sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Alcala, may mga truck na dumaraan sa tulay nang mangyari ang pagbagsak hapon ng Lunes, October 6.
Dahil sa insidente, hindi madaanan ng anumang uri ng mga sasakyan ang nasabing tulay.