13 October 2025
Calbayog City
Entertainment

Pamilya ng yumaong South Korean Actress na si Kim Sae-Ron, planong kasuhan si Kim Soo-Hyun

IKINU-konsidera ng pamilya Kim Sae-Ron na kasuhan ang aktor na si Kim Soo-Hyun dahil sa pagtanggi nito sa naging relasyon nila simula noong teenager pa ang pumanaw na aktres.

Bumandera sa mga balita ang ex-couple matapos mabunyag ang relasyon ng noo’y bente syete anyos na si Soo-Hyun at kinse anyos na si Sae-Ron.

Bagaman kinumpirma ng agency ng aktor na gold medalist, ang naging relasyon ng dalawa, binigyang diin ng ahensya na nagsimula silang mag-date noong adult na ang aktres.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).