IPINAG-utos ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang Third-Party Assessment ng natigil na Aganan Flyover sa Iloilo City.
Ito ay upang matiyak ang integridad ng imprastraktura bago ang planong pagbubukas nito sa mga motorista ngayong taon.
Ayon sa ahensya, nais ni Dizon na kunin ang serbisyo ng third-party foreign consultant para i-assess ang flyover na magsisilbing alternatibong ruta sa mga motoristang dumadaan sa Felix Gorriceta Jr. Avenue at Benigno S. Aquino Jr. Avenue upang maiwasan ang pagsisikip sa lugar.
Ang Aganan Flyover ay kabilang sa priority projects ng DPWH ngayong taon, na target makumpleto ng ahensya bago matapos ang 2026.




