PINABULAANAN ng White House ang ulat na ginagamot si US President Joe Biden dahil sa parkinson’s disease.
Unang iniulat ng New York Times na batay sa visitors log, isang doktor na espesyalista sa naturang sakit ang bumisita sa White House ng walong beses simula Agosto hanggang Marso.
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Ikinabahala ng marami na posibleng mayroong undisclosed illness si Biden simula nang madapa ito, tila nanghihina, at mawala sa focus nang magharap sila sa debate ng katunggaling republican na si Donald Trump noong June 27.
Sa briefing, binigyang diin ni White House Press Secretary Karine Jean-Pierre (Karin Jan Piye) na hindi ginamot at hindi umiinom ng gamot para sa parkinson’s ang US President.
Umani ng kritisismo si Biden mula sa ilang democrats dahil sa kakulangan nito ng mental acuity o katalinuhan para maging nominee nila laban kay Trump sa Nov. 5 Presidential Election.
