HALOS isang bilyong piso ang kinita ng Land Transportation Office (LTO) mula sa mga multang ibinayad ng traffic violators sa unang anim na buwan ng 2024.
Sa datos mula sa LTO, kabuuang 330,073 na mga motorista ang nahuli sa buong bansa, simula Jan. 1 hanggang June 30 bunsod ng iba’t ibang mga paglabag.
Bagaman hindi lahat ng nahuli ay nakapagbayad na ng multa, umabot na sa 986.5 million pesos ang nakolekta ng ahensya.
Sa ngayon ay nakapagtala na ang LTO ng 17.9 billion pesos na revenue, na 34 percent na mas mataas kumpara unang anim na buwan ng 2023.
Target ng LTO na makakolekta ng 33 billion pesos ngayong 2024.