UMAKYAT sa 48 percent ang Trust Rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hunyo, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Mas mataas ito ng sampung puntos mula sa 38 percent Trust Rating na kanyang nakuha noong Mayo.
Ang survey na kinomisyon ng Stratbase Group, ay isinagawa simula June 25 hanggang 29, sa pamamagitan ng 1,200 Filipino adults mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon kay Stratbase Group President, Prof. Dindo Manhit, ang malaking pagtaas sa Trust Rating ni Pangulong Marcos ay senyales ng posibleng pagbabalik ng tiwala ng publiko sa kanyang Administrasyon.
Samantala, napanatili naman ni Vice President Sara Duterte ang kanyang Trust Rating na 61 percent.
Tumaas din ang Trust Ratings ni Senate President Chiz Escudero sa 55%, gayundin si House Speaker Martin Romualdez na nakakuha ng 34 percent.




