KINUMPIRMA ng Social Weather Stations (SWS) ang commissioned survey na nagpapakitang bumaba ng pitong puntos ang trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa Sept. 14 to 23 survey na kinumisyon ng Stratbase ADR Institute, 57 percent ng 1,500 respondents ang nagsabing nagtitiwala sila sa pangulo.
Mas mababa ito kumpara sa 64 percent na naitala sa kaparehong survey noong Hunyo.
Umakyat naman sa 25 percent mula sa 21 percent ang nagsabing wala silang tiwala kay Marcos habang tumaas din sa 17 percent mula sa 14 percent ang undecided.
Dahil dito, bumagsak sa positive 33 ang net trust rating ni Pangulong Marcos noong Setyembre mula sa positive 42 noong Hunyo.