13 February 2025
Calbayog City
Metro

Dating aktor na si John Wayne Sace, arestado sa pamamaril at pagpaslang  sa kaibigan, sa Pasig City

ARESTADO ang dating aktor na si John Wayne Sace dahil sa umano’y pamamaril na ikinasawi ng kanyang kaibigan, sa Pasig City.

Binaril umano ni Sace ang biktimang si Lynell Eugenio sa Barangay Sagad, dakong ala siyete y medya ng gabi noong lunes.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Pasig City Police, nag-uusap lamang ang magkaibigan hanggang sa mauwi sa pagtatalo.

Bumunot umano si Sace ng kalibre kwarenta’y singko saka malapitang pinagbabaril si Eugenio.

Nagtamo ang biktima ng apat na tama ng bala sa katawan na agad nitong ikinasawi.

Tumakas ang suspek subalit makalipas ang ilang oras ay nasakote ito sa isang hotel, hindi kalayuan sa sentro ng lungsod.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).