BUMABA ang Trust at Performance Ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa ikatlong quarter ng taon, batay sa datos ng OCTA Research.
Sa pinakabagong tugon ng Masa Survey ng Octa, mula Sept. 30 hanggang Oct. 4 na nilahukan ng 1,200 respondents, bumagsak ng pitong puntos o sa 57% ang Trust Rating ng pangulo mula sa 64% noong Hulyo.
Walong puntos naman ang ibinaba ng Performance Rating ni Marcos na nakakuha ng 54% mula sa 62% noong ikalawang quarter.
Samantala, tatlong puntos ang ibinaba ng Trust Rating si VP Sara na nasa 51% mula sa 54% habang nabawasan din ng isang puntos ang kanyang Performance Rating na 49% mula sa 50% noong Hulyo.




