INIHANDA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Eastern Visayas ang 132.05 million pesos na halaga ng relief items para sa posibleng epekto ng Bagyong Kabayan sa rehiyon.
Ayon kay DSWD Regional Information Officer Jonalyndie Chua, kabilang sa kanilang inihanda ang 131.83 million pesos na halaga ng food at non-food items at 211,873 pesos na standby funds.
Ang relief goods ay kinabibilangan ng 129,197 family food packs at 36,911 non-food items.
Ang mga ito ay naka-preposition sa Northern Samar; Eastern Samar; DSWD Regional Resource Operations Center sa Palo, Leyte; Sogod, Southern Leyte; at Biliran Province.