8 January 2026
Calbayog City
National

TRABAHO Partylist suportado ang pagpasa ng Green Lanes for Strategic Investments Act, nanawagan na i-prayoridad ang mga manggagawang Pilipino

Suportado ng TRABAHO Partylist ang pagpasa ng House Bill 8039 o ang “Green Lanes for Strategic Investments Act,” isang hakbang na layong pasiglahin ang mga foreign investments at magbigay-daan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ayon sa partido, ang nasabingpanukalang batas ay magsisilbing susi sa mabilis narecovery at paglago ng ekonomiya.

Layunin ng HB 8039 na lumikha ng mga “green lanes” para sa mga investment sa mga mahahalagang sektor tulad ng imprastruktura, teknolohiya, pagmamanupaktura, at renewable energy. Sa ilalim ng panukala, ang mgakumpanya sa mga stratehikong industriya ay makikinabangmula sa mas pinadaling proseso ng mgaapproval, mas kaunting mga regulasyon, at isangbusiness-friendly na environment.

Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, ang HB 8039 ay hindi lamang maghihikayat ng mga kinakailangang dayuhang kapital, kundi magdudulot din ng libu-libong trabaho para sa mgaPilipino.

“Ang panukalang batas na ito ay isang mahalaganghakbang upang makalikha ng isang kapaligiran para samga investment na hindi lamang efficient, kundi patas at inklusibo para sa mga manggagawang Pilipino,” ani Atty. Espiritu. “Sa pamamagitan ng pagpapadali ng proseso ng mga approval, mas pinadali natin ang pagpasok ng mga negosyo dito na magreresulta sa mas maraming trabaho, pag-develop ng kasanayan, at pagpapabuti ng kabuhayanng ating mga kababayan.”

Binigyang-diin pa ni Atty. Espiritu na magsusulong ang TRABAHO Partylist ng mga sapat na safeguards upangmaprotektahan ang lokal na empleyo at matiyak na ang mga Pilipino ang mauunang mabigyan ng mga bagongtrabaho, lalo na sa mga lugar na mayroong sapat na lokalna workforce na kayang punan ang mga posisyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).