13 October 2025
Calbayog City
National

TRABAHO Partylist nagpapabatid ng Job Fair Alert tuwing Lunes

Ang TRABAHO Partylist ay nagpapabatid ng Job Fair Alert tuwing Lunes sa kanilang opisyal na Facebook page na 106 Trabaho Party List upang makatulong sa mga naghahanap ng trabaho.

Tulad na lamang ngayong Lunes, ika-24 ng Marso, ang grupo ay naglabas na ng listahan ng mga job fair na magaganap mula Marso 25 hanggang 28.

Maliban sa petsa, nakasaad din sa kanilang pabatid ang oras ng simula pati na rin kung saan ang lokasyon ng mga job fair. Halimbawa, ngayong ika-27 ng Marso ay may job fair na gaganapin sa ika-anim na palapag ng Caloocan City Hall mula alas-nuwebe ng umaga.

Para naman sa mga baguhan sa paghahanap ng trabaho, may mga importanteng paalala at payo rin ang grupo, tulad ng pagsusuot ng semi-formal attire at pagdadala ng resume, government ID, at mga angkop na dokumento tulad ng mga certification at clearance.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).