23 December 2025
Calbayog City
National

TRABAHO Partylist, nagpaalala sa mga kumpanya na siguruhing maayos at tamang paglabas ng final pay ng mga empleyado

Nagbigay ng paalala ang TRABAHO Partylist sa lahat ng nagnenegosyo na na sundin ang mga legal na alituntunin ukol sa tamang paglabas ng huling sahod ng mga umalis na empleyado na nakakumpleto ng clearance sa trabaho.

Binigyang-diin ng grupo ang  kahalagahan ng pagsunod sa batas upang maprotektahan ang mga karapatan ng mga manggagawa.

Ipinahayag ni Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, ang kanilang alalahanin ukol sa mga naiulat na pagkaantala sa paglabas ng huling sahod, isang practice na nananatiling karaniwan kahit may mga umiiral na regulasyon mula sa Department of Labor and Employment (DOLE). 

Ang mga regulasyong ito ay nag-uutos sa mga kumpanya na lutasin ang lahat ng mga pinansyal na obligasyon, kabilang na ang huling sahod, sa loob ng isang takdang panahon matapos ang pag-alis, pagtanggal, o pagtatapos ng kontrata ng isang empleyado.

Ayon sa Philippine labor law, obligado ang mga employer na ibigay ang huling sahod ng empleyado sa loob ng 30 araw matapos ang huling araw ng trabaho ng empleyado. Kasama sa huling sahod ang lahat ng hindi pa nababayarang suweldo, hindi nagamit na leave credits, 13th-month pay, at iba pang benepisyo na karapat-dapat sa manggagawa. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).