12 October 2025
Calbayog City
National

TRABAHO Partylist, may solusyon laban sa panloloko sa OFWs

trabaho partylist

Sa gitna ng kamakailang repatriation ng mga OFW (Overseas Filipino Workers) nabiktima ng job scam sa Cambodia, nanawagan ang TRABAHO Partylist ng mas pinaigting na hakbang upang makalikha ng matatag at disenteng trabaho sa loob ng bansa. 

Ayon sa grupo, mahalagang magkaroon ng sapat at de-kalidad na oportunidad sa hanapbuhay dito sa Pilipinas upang hindi na mapilitang mangibang-bansa ang mga kababayan sa alanganing trabaho.

Ibinahagi ni Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng “living wage” o sahod na hindi lamang sapat para sa araw-araw na pangangailangan kundi para rin sa mga long-term needs ng mga pamilya tulad ng pagpapatayo ng kanilang mga tahanan. 

Aniya, wala talagang mapupundar ang mga Pilipino kung kakarampot lamang ang sahod.

Bilang tugon, suportado ng TRABAHO Partylist ang mga kamakailang pag-apruba ng mga Regional Tripartite Wage and Productivity Boards sa dagdag-sahod na makikinabang ang halos limang milyong minimum wage earners sa buong bansa. Hinikayat din nila ang pamahalaan at pribadong sektor na tiyaking maayos ang pagpapatupad ng mga bagong wage orders.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).