Patay ang Chief of Police ng El Salvador at isang inakusahan ng multi-million dollar embezzlement makaraang mag-crash ang sinasakyan nilang military helicopter.
Ini-eskortan ni Police Director Mauricio Arriaza ang dating cooperative manager na si Manuel Coto pabalik ng El Salvador nang mangyari ang insidente.
ALSO READ:
18 anyos na babae na may mental health issues, salarin sa mass shooting sa paaralan sa Canada
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Si Coto na inakusahang naka-dispalko ng 35 million dollars, ay inaresto sa Honduras makaraang magtangkang tumakas patungong Amerika, at saka itinurnover sa Salvadoran Police.
Ayon sa Salvadoran Armed Forces, bumagsak ang helicopter sa Pasaquina District, sa timog-silangang bahagi ng bansa malapit sa border ng Honduras.
