Ininspeksyon ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy, kasama sina Councilor Marc Celino Tan at Board Member Edward Clemens ang ginagawang kalsada patungo sa Malajog Beach.
Pagpapakita ito ng commitment ni mayor Mon at ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan para ayusin ang imprastraktura, pati na ang accessibility sa pangunahing tourist destination sa Calbayog City.
Ang road project patungo sa Malajog Beach ay itinuturing na malaking investment na pakikinabangan hindi lamang ng mga turista, kundi maging ng lokal na komunidad.
Magbibigay kasi ito ng mas magandang access patungo sa beach at magpapalakas sa ekonomiya sa mga kalapit na lugar.