Nagsagawa ang warships mula sa China, Russia at Iran ng live-fire exercises sa isang pangunahing middle eastern waterway, upang ipakita ang kanilang pwersa sa unstable region.
Sa statement mula sa Chinese ministry, layunin ng drills na isinagawa malapit sa Gulf of Oman na nilahukan ng dalawampung barko mula sa tatlong bansa, na paigtingin ang maritime cooperation at protektahan ang regional peace and stability.
Nagpadala ang Chinese navy ng guided-missile destroyer at guided-missile frigate sa exercises habang nag-deploy ang Russia ng cruiser varyag mula sa kanilang pacific fleet.
Ginamit naman ang Iran ang kanilang iba’t ibang vessels, gaya ng frigates at fast-attack boats.