ARESTADO ang isang German national matapos madiskubre sa bagahe nito ang milyon-milyong pisong halaga ng iligal na droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.
Ayon sa PNP, na-flag ang luggage ng dayuhan sa NAIA Terminal 3 Customs International Arrival Area.
Sinabi naman ng Bureau of Customs (BOC) na natagpuan ang mahigit walunlibong gramo ng shabu, na itinago sa loob ng dalawang binutas na bibliya, ay binalutan ng makapal na layer ng plastic at duct tape.
Tinaya ang halaga ng kontrabando na agad kinumpiska sa 55.386 million pesos.




