LUMOBO ng mahigit 10% ang Total External Trade in Goods ng bansa noong Pebrero.
Batay sa datos na ni-release ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 18.34 billion dollars ang Total External Trade in Goods.
ALSO READ:
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
BIR, nalagpasan ang target collection sa unang 2 buwan ng taon
Halaga ng piso kontra dolyar, muling sumadsad
Mas mataas ito ng 10.7% kumpara sa 16.57 billion dollars na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
60% dito ay imported goods habang ang natitirang 40% ay exported goods.
Umakyat naman sa 6.79 billion dollars ang total value ng exports, na pinakamataas na naitala simula noong October 2025.
Habang lumobo ng 12.6% ang imports na nasa 11.01 billion dollars mula sa 9.78 billion dollars na nai-record noong February 2025, na pinakamataas din simula noong Nobyembre ng nakaraang taon.
