PINABULAANAN ni Toni Gonzaga na sila ng kanyang mister na si Paul Soriano ay dumadaan sa marital issues.
Sa gitna ito ng blind item na kumakalat sa social media tungkol sa power couple na “on the rocks” ang marriage.
ALSO READ:
Pamilya ni Odette Khan, umapela ng pinansyal na tulong para sa hospitalization ng veteran actress
Sexbomb Girls, dadalhin ang kanilang Reunion Show sa Tacloban
Legal team ni Rhian Ramos, handang kasuhan ang mga aatake sa aktres
Kathryn Bernardo, pinasalamatan ang fans sa pagrespeto sa kanyang personal decisions
Sa Tiktok live para sa isang collagen supplement noong Martes, mabilis na itinanggi ni Toni ang alegasyon, matapos bumaha ng tanong sa comment section tungkol sa pagsasama nila ni Direk Paul.
Aniya, huwag nang pag aksayahan ng panahon ang mga non-sense, dahil ang dapat sa mga waste ay pina-flush sa restroom.
