KINUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) ang milyon-milyon pisong halaga ng pinaghihinalaang smuggled agricultural products mula sa dalawang cold storage units, sa Navotas City.
Ayon sa BOC, natagpuan sa loob ng storage units ang napakaraming sibuyas, carrots, kamatis, enoki mushrooms, Chinese noodles, at Chinese kimchi.
MRT-3, may libreng sakay sa mga kababaihan sa March 8
Vlogger na si Francis Leo Marcos, nakalabas na sa kulungan matapos magpiyansa ng 120,000 pesos
Senior citizen, patay; PWD, nawawala sa sunog sa Intramuros, Maynila
5-minute response sa road emergencies, tiniyak ng MMDA sa pamamagitan ng traffic hotline
Ang mga naturang produkto ay wala umanong binayarang kaukulang duties at taxes sa gobyerno.
Isa sa storage units ay naglalaman ng 132.75 tons ng puting sibuyas na nagkakahalaga ng 21.2 million pesos habang ang isa pa ay may 89.89 tons ng imported carrots na tinaya ang halaga sa 13.48 million pesos.
Nasamsam din ang 360 kilos ng kamatis, sampung kilo ng enoki mushrooms, at 92.25 tons ng imported white onions mula sa 40-foot container van.
