NANAWAGAN ang mga tsuper ng jeepney sa Supreme Court na aksyunan na ang kanilang petisyon laban sa Public Transport Modernization Program (PTMP), na inihain nila noong pang Disyembre.
Sinabi ng Piston Member na si Jason Pahilagutan, na hinihiling nila sa Korte Suprema na maglabas kahit man lang Temporary Restraining Order (TRO) laban sa PTMP.
ALSO READ:
Cebu City isinailalim sa State of Calamity dahil sa gumuhong landfill; death toll, umakyat na sa 13
Sarah Discaya, naghain ng Not Guilty Plea sa Korte sa Cebu
Pangulong Marcos, nais magkaroon ng Extradition Treaty sa Portugal para maaresto si Zaldy Co
Historic Free Trade Deal, nilagdaan ng Pilipinas at UAE
Sa kanilang petisyon, inihirit ng mga miyembro ng transport groups sa SC na ideklarang null and void ang ilang issuances ng government transportation agencies, at maglabas ng TRO upang mapigilan ang mga respondent na ipatupad ang issuances.
Iginiit ni Pahilagutan na habang pending ang petisyon, dapat aniyang mag-isyu ang kataas-taasang hukuman ng TRO para pansamantala silang makapag-rehistro.
