5 April 2025
Calbayog City
Local

Titulo ng lupa, ipinamahagi sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda sa Tacloban

titulo ng lupa

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda.

Ayon kay Romualdez, ang titulo ay iginawad sa mga benepisyaryong residente na nasira ang mga bahay dulot ng malakas na bagyo-10 taon na ang nakalilipas.

Giit ng mambabatas, ang titulo sa Pabahay Housing Beneficiaries ay magsisilbi ring inspirasyon ng pag-asa sa mga benepisyaryo.

“Let us also celebrate the resilience, unity, and hope that have defined our recovery journey,” bahagi ng talumpati ni Romualdez sa paggunita sa ika-10 taon ng bagyong Yolanda na ginanap sa Tacloban City Convention Center.

Dagdag pa ng mambabatas, “The road has been challenging, but with each passing year, our collective strength and determination grow even more evident.”

Inaalala din ng mambabatas na mula sa unang Distrito ng Leyte ang kanyang naging karanasan na makita ang malawak na pinsalang iniwan ng bagyo sa lalawigan at sa lungsod ng Tacloban.

Subalit sa kabila ng mga pinsala ay ang katatagan ng mga taga-Leyte sa kabila ng hamon at ang patuloy na pagsulong sa muling pagbangon.

Muli ay hinikayat ni Romualdez ang mamamayan lalo na ang nakaligtas sa malakas na bagyo ang pag-alaala sa kanilang mga nasawing mahal sa buhay, pagkilala sa mga taong tumulong para makaahon at ang higit na pasasalamat sa mga biyaya ng Panginoon sa kabila ng trahedya. (Jack Adriano)

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *