Sugatan ang isang timbol driver matapos itong pagbabarilin sa bahagi ng Maharlika Highway, Purok 1 Brgy. Bagacay, Calbayog City noong Biyernes, Hunyo 28, 2024.
Kinilala ang biktima na si Dinnes Rosello, 25 taong gulang, driver ng timbol at residente ng Purok 5, Brgy. Carayman, ng nabanggit na syudad.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Calbayog CPS, sakay ang biktima ng kanyang timbol at galling siya sa Calbayog City proper patungong Brgy. Carayman.
Nang dumatin sa barangay ay pinagbabaril sya ng dalawang hindi pa nakilalang lalake na agad tumakas lulan ng motorsiklo.
Samantala, kahit sugatan ay nakatakbo at nakahingi pa ng saklolo ang biktima.
Agad siyang nadala sa ospital para malapatan ng lunas sa tinamong tama ng bala.
Patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang dalawang suspek.