NAKAUWI na sa Thailand ang limang Thai Nationals, mahigit isang taon matapos bihagin ng hamas.
Emosyonal ang naging tagpo nang salubungin sila kani-kanilang pamilya sa suvarnabhumi airport sa Bangkok, kahapon.
Sa pag-atake ng hamas noong october 2023 sa Israeli border, apatnapu’t isang Thais ang pinaslang habang tatlumpu ang dinukot.
Bago ang kaguluhan ay tinatayang 30,000 Thai laborers ang nagta-trabaho sa agriculture sector sa Israel.
Isa ang thais sa pinakamalaking migrant worker groups na naturang bansa.
Halos siyamnalibong thais ang ni-repatriate kasunod ng pag-atake.